Home NATIONWIDE Tuition hike moratorium, suportado ni Cayetano

Tuition hike moratorium, suportado ni Cayetano

80
0

MANILA, Philippines – Suportado ni Senador Pia S. Cayetano ang panawagan ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga Higher Education Institutions (HEIs) na ipagpaliban ang planong pagtaas ng matrikula, habang binibigyang-diin ang pangangailangang protektahan ang mga pamilyang Pilipinong nahihirapan na sa mabilis na pagtaas ng pang-araw-araw na gastusin.

“I fully support CHED’s call for universities to hold off on tuition increases. Many families are already struggling with rising costs across the board. We must ensure that education remains accessible, especially during these challenging times,” pahayag ni Cayetano.

Si Cayetano na nagsisilbing Senior Vice Chair ng Senate Committee on Finance at humawak ng badyet sa edukasyon sa loob ng anim na taon, ay nagpaliwanag na ang accessible na edukasyon ay susi sa pagwakas ng kahirapan at pagsisiguro ng intergenerational equity.

Binanggit ni Cayetano na nagsusumikap ang gobyerno na palakasin ang suporta sa mga programa sa higher education sa pamamagitan ng Tertiary Education Subsidy at pagtaas ng pondo para sa mga State Universities and Colleges. Binigyang-diin din niya ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga pribadong institusyon sa pagpapanatiling abot-kaya ang edukasyon para sa mga pamilyang Pilipino. Nanawagan si Cayetano na magtulungan ang pribadong sektor at ang gobyerno upang pagaanin ang pasanin ng mga estudyante, lalo na sa panahon ngayon.

Pinuri rin ni Cayetano ang CHED sa pakikipag-dayalogo sa mga HEIs habang binabalanse ang pangangailangang tiyakin na ang mga estudyante at ang kanilang mga pamilya ay hindi lalong mahirapan sa kasalukuyan. “I appreciate that CHED is engaging with HEIs on this matter. It’s important that we balance the operational needs of institutions with the capacity of families to afford education.”

Hinimok ng Senador ang mga HEIs na humanap ng alternatibong paraan sa pagtugon sa mga hamon sa kanilang operasyon nang hindi ipapasa ang pasanin sa mga estudyante at kanilang mga pamilya. Naniniwala si Cayetano na ang pamumuhunan sa edukasyon ay pamumuhunan sa kinabukasan ng bansa, at ang accessibility ay dapat manatiling priyoridad.

“Education is the great equalizer. We cannot allow it to become a privilege that only the wealthy can afford,” pagtatapos ni Cayetano. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here