Home NATIONWIDE Access sa hustisya, pinalalakas ng DOJ sa alternative dispute reso

Access sa hustisya, pinalalakas ng DOJ sa alternative dispute reso

72
0

MANILA, Philippines – Muling binigyang-diin ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang layunin na gawing mas mabilis, abot-kaya, at simple ang hustisya sa tulong ng Republic Act No. 9285 o Alternative Dispute Resolution (ADR) Act of 2004.

Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, layunin ng batas na mapabilis ang resolusyon ng mga alitan gamit ang mediation at arbitration, nang hindi na dumadaan sa korte. Binibigyang-pansin ng DOJ na kahit nasa malalayong lugar ang mga Pilipino, may paraan para maayos ang mga alitan nang mapayapa.

Pinapalakas din ng DOJ ang ADR sa pamamagitan ng mga proyekto tulad ng pilot mediation rules sa mga city prosecution office sa NCR at training programs para sa mga mediation personnel.

Nanawagan ang DOJ sa publiko na gamitin ang ADR hindi lamang bilang alternatibo kundi bilang pangunahing paraan ng pagresolba ng mga alitan, upang mas mapalawak ang access sa hustisya para sa lahat. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here