Home NATIONWIDE PNP gagamit ng AI-ready body cameras, para sa mas transparent na operasyon

PNP gagamit ng AI-ready body cameras, para sa mas transparent na operasyon

68
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na nakatakda silang tumanggap ng humigit-kumulang 17,000 body-worn cameras bilang bahagi ng hakbang para sa mas mataas na transparency at accountability sa mga operasyon ng pulisya.

Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., ang mga bagong camera ay “AI-ready” at direktang ikokonekta sa central system upang maiwasan ang pag-edit o pagbura ng mga kuha.

“We’ll be soon getting our 17,000 units of body-worn cameras,” ayon kay Nartatez.

Paliwanag niya, ang mga footage ay automatic na mase-save sa system at hindi na maaaring mabura o manipulahin.

Dagdag pa ng PNP, inaasahan ding mapapabuti pa ang response time ng mga pulis sa Metro Manila, na ngayon ay nasa humigit-kumulang tatlo hanggang apat na minuto.

Samantala, sinabi rin ni Nartatez na palalakasin pa ang tourist police operations sa iba’t ibang probinsya, kabilang ang Bohol, upang mas maprotektahan ang mga turista.

“Iisa-isahin natin ang bawat probinsya,” aniya, kasabay ng pagtiyak na patuloy ang pagdoble ng efforts ng mga regional at provincial police directors para sa kaligtasan ng publiko. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here