CAVITE, Philippines – Isang 39-anyos na lalaki ang namatay makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang nakaupo sa isang tricycle sa General Mariano Avarez (GMA) Lunes ng gabi.
Ayon sa report, kinilala ang biktima na si ayas Daryl, binata, walang trabaho, residente ng Brgy Delas Alas sa nasabing bayan.
Lumabas sa pag sisiyasat na isa sa suspek ay nakasuot ng kulay puti na long sleeve at itim na cap habang ang gunman ay nakasuot ng kulay green na long sleeve, itim na cap at magkaangkas sa isang kulay itim na motorsiklong Mio Sporty na walang plaka.
Napag alaman na bandang alas-6:00 ng gabi ng naganap ang insidente kung saan nakaupo ang biktima sa isang tricycle nang dumating ang mga suspek, kaagad na nilapitan ang biktima at pinagbabaril ito.
Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo na gamit ng mga ito.
Patuloy pang inaalam ng puisya ang motibo sa pagpatay at pagkakakilanlan ng mga suspek na magpa hanggang ngayon ay nakalalaya pa. MARGIE BAUTISTA