Home NATIONWIDE SC pinapasagot si Sotto sa contempt petition dahil sa pahayag vs impeachment...

SC pinapasagot si Sotto sa contempt petition dahil sa pahayag vs impeachment ruling

75
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Hiniling ng Supreme Court (SC) si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na magpaliwanag sa loob ng 10 araw kaugnay ng petisyon na humihiling na siya ay ma-cite in indirect contempt dahil sa umano’y mga kritisismo niya laban sa desisyon ng Korte Suprema sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa resolusyong inilabas noong Abril 8 at isinapubliko lamang nitong Mayo 4, inatasan ng SC si Sotto na sumagot sa petisyon ng ilang abogado at iba pang indibidwal.

Kabilang sa mga petitioners sina Atty. Manuelito Luna, Ferdinand Topacio, Harold Respicio, Virgilio Garcia, businesswoman Cathy Binag, at dating kongresista Michael Defensor.

Ayon sa kanila, ang mga pahayag ni Sotto ay nakakasira umano sa tiwala ng publiko sa hudikatura at lumalampas na sa lehitimong kritisismo.

Tinutukoy nila ang naging pahayag ni Sotto na “sad day for Constitutional Law” matapos ideklara ng SC na unconstitutional ang impeachment complaint laban kay VP Duterte dahil sa one-year rule at isyu ng due process.

Sa kanilang reklamo, sinabi rin nilang ang posisyon ni Sotto bilang Senate President ay nagpapabigat sa epekto ng kanyang mga pahayag sa reputasyon ng Korte Suprema.

Samantala, itinanggi ni Sotto ang akusasyon at tinawag itong “nuisance suit” at “publicity stunt.”

“Simply expressing disagreement or criticizing court decisions cannot constitute indirect contempt,” ani Sotto.

Giit pa niya, protektado ng Konstitusyon ang malayang pagpapahayag, at ang kritisismo sa korte ay hindi bawal hangga’t hindi ito nakasasagabal sa hustisya.

“I simply expressed a disagreement with the court decision. That is protected speech,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here