SA panahon ngayon, isang pangalan, o isang logo na kilala ng publiko ang kailangan lamang upang makuha ang tiwala ng isang tao para maka panloko. Isang vlogger, isang kilalang kompanya—at sa isang iglap, ang pera at tiwala ng biktima ay maaaring mawala sa isang pindot ng keyboard ng computer.
Sa galing at talas ng mga scammer minsan sinasamantala nila kapag nag-endorso ang matataas na opisyal ng gobyerno at mga kilalang negosyante lalo na ang namumuhunan sa pagtatayo ng imprastraktura ng gobyerno.
In fairness sa mga kilalang taong ginagamit hindi nila alam na ginagamit na pala ng mga scammer ang kanilang kompanya o pangalan.
Hindi lang overseas Filipino workers ang target ng online scams kundi pati mga pobreng magsasaka sa kanayunan gamit ang pangalan ng mga sikat na vlogger at mga kilalang kompanya.
Maging ang mga estudyante ay hindi nakaligtas sa kanilang panloloko kaya natututong gumawa ng iligal ang mga ito para lang mabawi ang perang naloko a kanila.
Kapag kumagat, wala nang balikan—nawawala ang ipon, at nasisira ang tiwala sa online platforms at sa mga taong hinahangaan nila.
Gumagawa ang mga scammer ng pekeng giveaway, investment schemes, at promo, gamit ang pangalan ng sikat na tao o kompanya upang “legit” ang kanilang modus.
Hindi biro ang epekto nito. Sa isang iglap, mawawala ang pera ng isang ordinaryong manggagawa. Sa isang pindot, maaaring mapasakamay ng scammer ang pinaghirapan na naging pahirap sa mga biktima
Ang laban kontra scam ay hindi lamang responsibilidad ng biktima. Dapat may papel din ang pamahalaan, ang social media platforms, at maging ang mga content creator na ginagamit ang kanilang pangalan.
At para sa mga OFW at mga estudyante, ang pagiging mapanuri ang pinakamahalagang sandata laban sa scammers.
Panahon na rin para kumilos ang kinauukulan lalo na ang PNP/Anti-Cybercrime Division na hảbằng maaga ay i monitor ang ang galawan sa social media at doon makikita naman nila kung sino ang mga nabiktima na mga scammer.






