MANILA, Philippines – Patay ang walong taong gulang na bata habang sugatan ang 14 iba pa sa banggaan ng dalawang pampasaherong bus sa Malungon, Sarangani.
Ayon sa mga awtoridad, ang isa sa mga bus ay may sakay na 41 pasahero kung saan 14 sa mga ito ang sugatan.
Dinala na sa ospital ang mga ito para gamutin.
Sa kabilang banda, ligtas naman ang 37 pasahero ng isa pang bus kabilang ang drayber.
Samantala, nasawi naman ang batang lalaki na residente ng Malalag, Davao del Sur matapos magtamo ng pinsala sa ulo.
Batay sa imbestigasyon, ang isa sa mga bus ay nawalan ng kontrol sa pababang kalsada at sumalpok sa kasalubong na bus.
Posibleng ito aniya ay dahil sa overspeeding.
“Overspeeding gyud to na hindi na-control na maabot niya tong bus na pababa. May istorya pa nga nigawas nga accordingly hindi niya daw nakita so ibig sabihin naghambal siya na di makita ibig sabihin paspas siya,” sinabi ni Malungon Municipal Municipal Police Station Chief, Lt. Col. Geovannie Ladeo.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang drayber habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/JGC