Home NATIONWIDE Nakatakdang Episcopal Ordination ng Tagbilaran Bishop-elect, hindi matutuloy

Nakatakdang Episcopal Ordination ng Tagbilaran Bishop-elect, hindi matutuloy

76
0

MANILA, Philippines – Hindi matutuloy ang nakatakdang Episcopal Ordination ni Fr. Gerardo Saco Jr sa Mayo 26.

Sa inilabas na pahayag ng pari, sinabi nitong ang desisyon ay bunga ng patuloy na pagninilay at pananalangin.

Humiling din ito ng panalangin at pang-unawa sa kanyang naging desisyon na hindi ipagpatuloy ang kanyang ordinasyon.

“I sincerely ask for your understanding regarding this change of heart. It comes from a deep awareness of my own human limitations and inadequacies,” bahagi ng pahayag ni Fr. Saco.

Matatandaang noong Marso 25, hinirang ni Pope Leo XIV si Fr. Saco bilang ikawalong pastol ng Tagbilaran na sede vacante mula pa noong September 2025 nang mailipat si Archbishop Alberto Uy sa Cebu.

Gayunman, tiniyak ni Fr. Saco na magpapatuloy ang kanyang mga gawaing pagpapastol sa iba’t ibang tanggapan sa diyosesis.

“Please be assured of my continued commitment as a priest to journey with you in faith in the Risen Lord, who never abandons us in moments of trial and need,” aniya.

Si Fr. Saco rin ang kasalukuyang diocesan administrator ng Tagbilaran na nangangasiwa sa mga gawaing pastoral at espirituwal habang hinihintay ang magiging pastol ng diyosesis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here