Home METRO Higit 55,000 pamilya apektado ng ashfall mula sa Mayon

Higit 55,000 pamilya apektado ng ashfall mula sa Mayon

83
0

ALBAY, Philippines – Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), umabot na sa 55,590 na pamilya o 199,367 katao ang naapektuhan ng biglaang pagbuga ng makapal na abo mula sa Mayon Volcano noong Mayo 2.

Sa ulat ni OCD deputy spokesperson Diego Mariano, 1,444 pamilya o 5,459 katao ang kasalukuyang nasa evacuation centers, habang 26 na pamilya o 85 katao ang tinutulungan pa sa labas ng evacuation centers.

“We will be providing more details if there are significant or additional effects due to the reported activity (of the volcano),” ani Mariano.

Nauna rito, iniulat ng Department of Social Welfare and Development na nakapagbigay na sila ng mahigit P117 milyon na tulong para sa mga apektadong pamilya.

Ayon sa DSWD, naipamahagi na rin ang 71,153 family food packs, 7,634 non-food items, at 1,402 ready-to-eat food para sa mga evacuee.

Nagbigay din ang ahensya ng mahigit P45 milyon na cash aid sa 3,487 magsasaka at internally displaced persons (IDPs) na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pag-aalburoto ng bulkan.

Ang Mayon Volcano ay isa sa pinaka-aktibong bulkan sa bansa at kilala sa perpektong hugis kono, ngunit madalas din itong magbuga ng abo, lava, at mapanganib na mudflows. Noong Sabado ng hapon, muling naglabas ito ng makapal na ashfall na tumabon sa mga kalapit na komunidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here