Home SPORTS TnT nagiging crowd favorite dahil kay Bol BolSPORTSSPORTS BANNER STORYTOP STORIES TnT nagiging crowd favorite dahil kay Bol BolMay 5, 2026 15:221170 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Unti-unti na umanong nagiging karibal ng Barangay Ginebra sa kasikatan ang TNT Tropang 5G sa Philippine Basketball Association.Malaki ang papel dito ng import na si Bol Bol, na agad naging crowd drawer dahil sa kanyang impresibong laro.Sa kanyang debut, umiskor siya ng 38 puntos at patuloy na nag-a-average ng mataas na puntos kada laro.Umabot pa siya ng 50 puntos sa isang laban.Dahil dito, mabilis na nauubos ang tickets ng TNT games, na dati’y karaniwang nangyayari lamang sa mga laro ng Ginebra.Noong Labor Day, libu-libong fans ang nanood sa kanilang laban, patunay ng lumalakas na hatak ng koponan sa publiko.Inaasahang mapupuno muli ang arena sa susunod nilang laban kontra Ginebra, tampok ang tambalan nina Bol Bol at Justin Brownlee. GP