Home NATIONWIDE VP Sara: Lakas ko ay mula sa taumbayan sa gitna ng pressure

VP Sara: Lakas ko ay mula sa taumbayan sa gitna ng pressure

88
0

THE HAGUE, Netherlands – Sinabi ni Vice President Sara Duterte na nananatili siyang matatag sa kabila ng tumitinding political pressure, at ang lakas niya ngayon ay nagmumula sa mga ordinaryong Pilipino, hindi sa mga kaalyadong pulitiko.

“Sa totoo lang, iniwan na siguro ako ng lahat ng mga kaibigan ko na politiko, pero hindi ako iniwan ng mga kababayan natin. Hindi ninyo ako—kami—iniwan,” ani Duterte sa panayam noong May 4 sa The Hague, Netherlands.

Inihayag niya ito matapos aprubahan ng House Committee on Justice ang ulat at articles of impeachment laban sa kanya noong May 4.

Hindi siya direktang nagkomento sa mga paratang, ngunit binigyang-diin ang pagkakaiba ng opinyon ng ordinaryong mamamayan at mga pahayag ng mga halal na opisyal.

“Kung ordinary individuals lang naman iyan, like ordinary Filipinos, pabayaan na natin iyan kasi iyan ang opinion nila, iyan ang damdamin nila. Hindi mo naman mababago ang nararamdaman ng isang tao,” aniya.

“But it is different, siguro, kapag congressman na ang nagsasabi or senator na ang nagsasabi. Magtatanong ka: ‘Bakit sobrang sigurado ka na tapos na ito?,” dagdag niya, kaugnay ng pahayag ni Terry Ridon na madaling makuha ang 106 boto para sa impeachment.

“Well, hindi ako makapag-comment sa kanyang mga nalalaman kasi hindi ko alam kung ano ang alam niya,” sabi pa niya.

Sa kabila ng mga hamon, sinabi ni Duterte na hindi nagbabago ang kanyang pananaw at nananatili siyang grounded.

“Sabi ko nga noon na parang tipong ang pinaka-problema lang ng isang tao ay magkasakit o mamatay, because death is the end, and disease or sickness leads toward that end,” aniya.

Nagpasalamat din siya sa mga sumusuporta, lalo na sa mga overseas Filipinos, habang kinakaharap ang mga isyung kinabibilangan ng kaso ni Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.

“Undying din ang pagpapasalamat sa lahat ng mga kababayan natin,” ani Duterte.

“In fact, ipinaabot ko rin sa kanya na hindi kayo susuko, at sabi niya na sumuko na raw kayo,” dagdag niya.

“Hindi ko alam kung joke iyon o hindi, pero, coming from PRRD, I would take it as a joke,” aniya. “Of course, ako personally, ang lakas ko lang talaga ay galing sa mga tao,” pagtatapos niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here