Home NATIONWIDE PBBM, Pangulo ng Paraguay, magkakaroon ng bilateral talk – PCO

PBBM, Pangulo ng Paraguay, magkakaroon ng bilateral talk – PCO

59
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng official visit si Paraguay President Santiago Peña Palacios sa Pilipinas sa Mayo 11, 2026 kasunod ng imbitasyon mula mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), makatatanggap ng official honors si President Peña sa Palasyo ng Malakanyang, kung saan inaasahan na magkakaroon ng bilateral meeting kasama si Pangulong Marcos para pag-usapan ang mga avenues para paghusayin ang pagtutulungan at mutual development.

Ang pagbisita ay tanda ng ‘significant milestone’ sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Paraguay, kung saan ito ang first presidential visit sa pagitan ng dalawang bansa.

Itinatag ang relasyon ng dalawang bansa sa kasaysayan ng constructive engagement at high-level exchanges sa nakalipas na anim na dekada.

Sa gitna ng opisyal na pagbisita, hangad ng dalawang bansa ay palawigin ang pagtutulungan sa iba’t ibang larangan ng sektor, kabilang na ang trade at investment, at maging ng agrikultura.

Ang Paraguay ay itinuturing na “an emerging partner of the Philippines in Latin America, and both countries share common values rooted in democracy, the rule of law, and a commitment to international cooperation.”

Samantala, sinabi ng PCO na binigyang diin ng official visit ang pagpapatuloy na pagsisikap ng Plipinas na palawakin ang engagement nito sa Latin American partners at maging para i-diversify ang economic partnerships nito.

Itinatag ng Pilipinas at Paraguay ang formal diplomatic relations ng mga ito noong December 12, 1962. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here