Home METRO Tulay sa Albay, tatapusin sa loob ng 2-3 buwan – DPWH

Tulay sa Albay, tatapusin sa loob ng 2-3 buwan – DPWH

110
0

ALBAY, Philippines – Ipinangako ni Vince Dizon, kalihim ng Department of Public Works and Highways, na matatapos sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan ang konstruksyon ng two-lane Kilicao-Binitayan Bridge sa Daraga, Albay.

Sa kanyang pagbisita, ipinakita ni Albay Governor Noel Rosal ang tulay na umano’y 15 taon nang hindi natatapos, na ikinadismaya ng kalihim.

“The people of Daraga have been going through this for 15 years. Can you imagine, 15 years? The suffering of our countrymen and seeing something like this just standing there,” ani Dizon.

“So, we have promised the Governor in the next two to three months, it will be finished,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, gumagamit ang mga residente ng pansamantalang one-way bridge para makatawid sa pagitan ng Barangay Kilicao at Binitayan.

Kapag natapos ang bagong tulay, inaasahang mas bibilis ang daloy ng trapiko at mas maraming sasakyan ang makakatawid. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here