Home NATIONWIDE Mga ‘destroyer’ at patrol aircraft ng Japan, ililipat sa Pinas

Mga ‘destroyer’ at patrol aircraft ng Japan, ililipat sa Pinas

85
0

MANILA, Philippines – GINAWANG pormal ng Pilipinas at Japan ang planong mas palalimin pa ang kanilang tanggulang ugnayan, kabilang na ang potensiyal na paglilipat ng Abukuma-class destroyer ships at TC-90 patrol aircraft, kasunod ng kanilang defense ministerial meeting sa Makati City.

Tinintahan nina Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. at Japanese Defense Minister Shinjiro Koizumi ang kasunduan na nagbabalangkas ng pinalawak na kooperasyon sa defense equipment at teknolohiya, matapos ang kamakailang rebisyon ng arms transfer policy nito.

Sa ilalim ng bagong balangkas, pumayag ang dalawang bansa na simulan ang talakayan sa paglilipat ng Abukuma-class destroyers at TC-90 patrol aircraft ng Japan sa Maynila.

Itatatag ang isang bilateral working group para isulong ang negosasyon at pangasiwaan ang koordinasyon sa polisiya, operational, at technical areas.

Sinabi ni Koizumi na ang kasunduan ay naglalayong paganahin ang “comprehensive equipment cooperation,” covering training, maintenance, operational coordination, at information sharing, with the goal of facilitating the early transfer of key defense assets.

Sinabi pa ni Koizumi na ito’y mahalagang hakbang sa nag-eebolusyong security posture ng Tokyo at lumalagong papel sa regional defense, partikular sa Indo-Pacific.

Nagpahayag naman ng pagsuporta si Teodoro sa updated guidelines ng Tokyo.

Ang paglagda ay nabuo sa kamakailang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa, gaya ng Reciprocal Access Agreement (RAA) na nagsimula ang operasyon noong Setyembre ng nakaraang taon, at Acquisition and Cross-Servicing Agreement (ACSA) na nilagdaan noong Enero ng nakaraang taon, na pinapayagan ang “more extensive joint exercises” sa pagitan ng dalawang bansa, kabilang ang partisipasyon sa Balikatan drills.

Winelcome naman ni Teodoro ang kinalabasan, at tinukoy ang kahalagahan ng pagpapahusay sa interoperability at pagpapanatili ng rules-based order sa rehiyon.

“We thank Japan once again for its review of the three principles on the transfer of defense equipment and technology and its implementing guidelines, and we were very happy to work with Japan in creating demonstrable results as soon as possible,” ang sinabi ni Teodoro.

“Details as to how many destroyers and patrol aircraft are involved in the negotiations are yet to be finalized,” aniya pa rin.

Samantala, muling pinagtibay ng magkabilang panig ang kanilang pangako na mas mahigpit na bilateral at multilateral defense cooperation sa gitna ng tumataas na security challenges sa East at South China Seas.

Sa kabilang dako, nakatakda namang i-observe ang maritime strike exercise bilang bahagi ng Balikatan drills sa Ilocos Norte, araw ng Miyerkules, May 6.

Samantala, magde-deploy ang Japan ng 1,400 troops sa pagsasanay at magde-deploy din sa kauna-unahang pagkakataon ng Type 88 surface-to-ship missile system na lalahok sa isang sinking exercise, kung saan ang isang retired Philippine Navy ship ay lulubog bilang mock enemy vessel. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here