DAVAO, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Davao Oriental nitong 11:35 p.m. noong Miyerkules, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Natukoy ang epicenter nito 17 kilometro hilagang-silangan ng Caraga, at may lalim na 29 kilometro. Tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Naitala ang Intensity III sa Mati City, Monkayo (Davao de Oro), at Bislig City (Surigao del Sur), habang Intensity II naman sa ilang lugar sa Davao de Oro, Davao City, at Tandag City.
Sa instrumental intensities, umabot sa Intensity IV sa Nabunturan, Davao de Oro; Intensity II sa Davao City, Magpet (Cotabato), Digos City, Gingoog City, at Tupi; at Intensity I sa ilang bahagi ng Bukidnon, Davao del Sur, Davao Occidental, General Santos, at South Cotabato.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang malaking pinsala mula sa lindol, ngunit posible pa rin ang aftershocks. RNT/MND