Home NATIONWIDE PBBM, dumating na sa Cebu para sa ASEAN 2026

PBBM, dumating na sa Cebu para sa ASEAN 2026

48
0

CEBU, Philippines – Dumating na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Miyerkules ng gabi para sa pagho-host ng Pilipinas sa 48th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Lumapag ang eroplanong may lulan sa Pangulo sa Mactan-Benito Ebuen Air Base, alas-9:14 ng gabi, bago pa ang mahalagang pakikipagpulong sa regional leaders sa ilalim ng ASEAN chairship ng bansa.

Isasagawa ang summit sa Cebu sa ilalim ng scaled-down format, kasunod ng direktiba mula sa Pangulo na bawasan ang gastos sa gitna ng nagpapatuloy na global uncertainties bunsod ng labanan sa Gitnang Silangan.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatipid ang gobyerno sa pagpapaiksi ng summit duration at baguhin ang mahalagang bilang ng ‘preparatory at working-level meetings’ sa virtual platforms.

Winika ni DFA Assistant Secretary and ASEAN 2026 spokesperson Dominic Xavier Imperial na ang preparatory meetings na orihinal na naka-iskedyul na sisimulan ngayong linggo ay binawasan, may ilang talakayan na isasagawa via video conferencing.

Sa kabilang dako, ipinag-utos ni Executive Secretary Ralph Recto, chairman ng ASEAN National Organizing Committee, ang muling pag-calibrate ng hosting plans, kabilang na ang paglilipat ng 650 meetings online at pag-scale down ng non-essential activities.

Sa kabila ng panawagan na suspendihin ang summit, tinanggihan ng Pangulo ang nasabing panukala, binigyang diin ang pangangailangan para sa regional coordination sa gitna ng global challenges.

Nauna nang tinukoy ng Pangulo ang ‘food security, energy stability, at proteksyon ng migrant workers bilang ‘priority agenda’ para sa summit ng Pilipinas.

Samantala, idineklara ng Malakanyang na special non-working holiday sa Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City at bayan ng Cordova mula May 6 hanggang 8 para mapadali at mapagaan ang pagsasagawa ng regional gathering. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here