Home NATIONWIDE Kahit absent: Sen. Bato naghain ng 2 panukalang batas

Kahit absent: Sen. Bato naghain ng 2 panukalang batas

73
0

MANILA, Philippines – Sa kabila ng hindi pagdalo sa mga sesyon ng Senado mula pa noong Nobyembre 2025 at nakabinbing ethics complaint, nakapaghain pa rin si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ng dalawang panukalang batas, kabilang ang isang panukala laban sa foreign interference sa Pilipinas na may kaparusahang life imprisonment.

Hindi pa muling nagpapakita nang personal sa Senado si dela Rosa mula nang lumabas ang balitang may umano’y warrant of arrest laban sa kanya mula sa International Criminal Court. Ayon sa ulat, ang kanyang mga panukala ay inihain sa pamamagitan ng kanyang legislative staff.

Noong Miyerkules, inirefer sa Senate Committees on National Defense and Security at Justice and Human Rights ang Senate Bill 2080 o ang proposed “Counter Foreign Interference Act.”

Samantala, ang isa pa niyang panukala na Senate Bill 2079 ay ipinadala naman sa Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Kaugnay nito, hiniling ng Senate Committee on Ethics and Privileges na pinamumunuan ni Sen. JV Ejercito kay dela Rosa na magsumite ng pormal na sagot sa ethics complaint laban sa kanya.

Nauna nang sinabi ni Ejercito na maaari umanong ikonsidera ni dela Rosa ang pag-waive ng kanyang sahod at allowances habang siya ay wala sa Senado. Posible rin umanong maibasura ang ethics complaint kung gagawin niya ito.

Ayon pa kay Ejercito, pinag-aaralan umano ng kampo ni dela Rosa ang mungkahing pansamantalang ihinto ang pagtanggap ng kanyang sahod at benepisyo habang patuloy siyang absent sa Senado. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here