Home NATIONWIDE Impeachment ni VP Sara, malapit nang umusad sa Senado

Impeachment ni VP Sara, malapit nang umusad sa Senado

70
0

MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na aabot sa 200 lagpas pa sa two-thirds ng kabuuang miyembro ng Kamara ang boboto pabor sa impeachment ni Vice President Sara Duterte sa darating na Lunes, Mayo 11.

Sa isang news conference sa Kamara sinabi ni Acidre na base sa kanilang monitoring ay malakas ang tsansa na mahigitan pa ang bilang ng mga bumoto sa mga nakaraang impeachment cases sa bansa.

“Based on our monitoring, I think we’re going to hit the majority number… we’re hoping that at least 200 or 215, that’s really the goal. As of now, I can confidently say it will be above 180,” ani Acidre.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ang tiwalang ito ay nagmula sa naging resulta ng mga clarificatory hearing ng House Committee on Justice, kung saan masusing sinuri ang mga ebidensya para sa determination of probable cause.

Aniya, marami sa kanyang mga kasamahan na dati ay nagdadalawang-isip ang nakumbinsi nang makita ang bigat ng mga dokumento at testimonya laban sa Bise Presidente.

“Nung simula hindi masyadong lahat kumbinsido. Pero as we started to go through the evidence, mas klaro at nagiging mas pulido ang ating argumento na dapat na-impeach ang VP,” dagdag pa ni Acidre.

Nang tanungin sa magiging boto ng Party-list Coalition, sinabi ni Acidre na sa kabuuang 62 hanggang 63 miyembro ng grupo, inaasahang nasa 47 ang boboto para sa impeachment.

Inamin naman niya na may ilang miyembro pa rin ang may reservasyon dahil sa pagiging malapit sa pamilya Duterte at sa dating administrasyon, na kanya namang iginagalang.

Gayunman, naniniwala si Acidre na sa huli ay mananaig ang desisyon ng kanyang mga kasamahan base sa ebidensya, katwiran, at kung ano ang makabubuti para sa interes ng buong bansa. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here