Home NATIONWIDE Ebidensiya vs Marcoleta sa P500M allocable sa flood control, isusumite sa DOJ, Ombudsman

Ebidensiya vs Marcoleta sa P500M allocable sa flood control, isusumite sa DOJ, Ombudsman

71
0

MANILA, Philippines – Ita-transmit ng Senate Blue Ribbon Committee sa Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman ang mga ebidensyang nakalap nito sa imbestigasyon sa flood control anomalies, ayon kay Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Miyerkules.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na ang mga ebidensya — kabilang ang mga dokumento, testimonya, at transcripts — ay bahagi na ng public record matapos niya itong banggitin sa kanyang privilege speech noong Martes.

“Moving forward, pina-prepare ko ang transmittal letter to the Office of the Ombudsman para ibigay all pieces of evidence – documentary, testimonial, and transcripts. At least now it is a matter of (public) record, pinalabas ko na via privilege speech,” aniya sa Kapihan sa Senado forum.

Ipinaliwanag niya na hindi niya agad isinapubliko ang mga ebidensya bago ang kanyang privilege speech upang hindi malabag ang mga alituntunin ng Senado. Ngunit dahil sa kanyang talumpati, maaari na itong gamitin ng DOJ at Ombudsman sa pagbuo ng kaso.

Sa panayam sa DZBB radio, sinabi ni Lacson na kabilang sa ebidensya ang isang sulat-kamay ng yumaong Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Ma. Catalina Cabral na nagpapakitang humiling si Sen. Rodante Marcoleta ng P500 milyon na “allocables” para sa mga proyektong pang-imprastraktura.

“May sulat kamay ni late Usec Cabral, nag-allocate siya based sa request ng allocables, nakapag-allocate siya ng P500 million projects kay Sen. Marcoleta. Hindi kasama yan sa hawak ng Ombudsman. So papadala namin yan. Galing mismo yan sa kampo ni Usec Cabral,” aniya.

Nang tinanong sa Kapihan kung irerekomenda na imbestigahan si Marcoleta, tugon ni Lacson na hindi pa sa ngayon.

“Sa ngayon hindi. Kung may ghost na attributed sa kanya, kung may participation siya sa naging ghost or substandard,” aniya.

Layunin ng komite na alisin ang “allocables” at “leadership funds” dahil nagbubukas ang mga ito ng oportunidad sa katiwalian.

Susuriin din ang iba pang flood control projects sa Visayas at Mindanao upang matukoy kung gaano kalawak ang katiwalian sa mga naturang proyekto.

“We will zero in on allocables that were given due course by the DPWH. Further, we’ll zero in on projects na pinagbigyan na may defect, substandard. Di altogether lahat na allocables kasi hindi illegal ang allocables although I personally believe it’s not appropriate for legislators mag request ka sa agency,” aniya.

Sinabi rin niyang itinutulak ng komite ang “horizontal and vertical convergence” sa mga proyekto — na nangangahulugang mas maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at implementing agencies — sa halip na basta-bastang humiling ng “allocables” para sa mga pinapabor na kontratista.

Nang tanungin kung magkakaroon pa ng isa pang pagdinig ang Blue Ribbon panel bago ang adjournment sine die ng Senado sa Hunyo 6, sinabi niyang may “big possibility.”

“We’re still consolidating documents para di na cover sa first 8 hearings pursue natin sa next hearing. Allocables is one issue… Kung may allocables nauwi sa ghost and substandard, we may resume hearings,” aniya.

‘Shared responsibility’

Pinaalalahanan ni Lacson ang kanyang mga kasamahan—kabilang ang mga inuugnay sa flood control mess—tungkol sa kanilang “shared responsibility” na lagdaan ang partial committee report upang ito ay maitala at matalakay sa plenaryo. Aniya, ang deliberasyon sa plenaryo ang maaaring magsilbing pagkakataon nila upang ipagtanggol ang kanilang sarili.

“Kung nagpirma sila, that’s their platform to defend themselves. Habang nag interpellate, pwede sabihing hindi totoo yan at ipa-strike out ang portion na nagre-recommend. Kung umabot kami sa interpellation and amendment at makatwiran… ito ang aking depensa at nanalo sa botohan, na-convince ako as chairman, sabihin ko accepted,” aniya.

“Gusto natin healthy deliberation para marinig natin lahat ng sides. Sa amin based lang sa na gather namin sa committee hearings,” dagdag niya.

Para naman sa mga naniniwalang may iisang “overall mastermind,” sinabi ni Lacson na dapat silang magtipon at magharap ng ebidensya, dahil sa kasalukuyang natuklasan ng komite ay walang ganitong “overall mastermind.”

“I don’t think there’s an overall mastermind. Kasi driven by greed at parasitic. May organized group but within certain district engineering offices like Bulacan, yan sindikato yan,” aniya.

Bintang ni Marcoleta

Muli ring pinabulaanan ni Lacson ang pahayag ni Marcoleta na siya ay “nagbago,” at iginiit na hindi nagbago at hindi magbabago ang kanyang paninindigan laban sa katiwalian. Aniya, si Marcoleta ang tila nagbago, batay sa mga kamakailan nitong kilos na inilarawan niyang “wala sa hulog.”

“Ang sabi ni Sen. Marcoleta, hinahangaan daw niya ako nung Chief PNP ako. Wala pa raw nakakagawa ng ginawa ko noon. Ano daw ba ang nangyari at nagbago ako. Hindi po ako nagbago at hindi kailanman magbabago. Si Sen Marcoleta ang nagbago kasi ‘nawala siya sa hulog’,” ani Lacson sa X.

Noong Martes, iginiit ni Marcoleta na i-interpellate si Lacson, na nagbigay ng privilege speech ukol sa mga update sa imbestigasyon ng Blue Ribbon panel sa flood control—kahit nilinaw na ni Lacson na hindi siya tatanggap ng mga tanong hangga’t hindi niya naihahain at naisasponsor ang partial committee report, na nangangailangan pa ng dalawang lagda bago maisumite.

Sa kanyang privilege speech, binigyang-diin ni Lacson na hindi kailanman nagbago ang kanyang paninindigan laban sa katiwalian at iba pang anyo ng pang-aabuso sa buong panahon ng kanyang serbisyo publiko, at hindi lamang noong siya ay Chief PNP mula 1999 hanggang 2001.

“I have built my career and my reputation over decades on a simple principle: that noise never overpowers duty, and intimidation never silences me,” aniya.  Ernie Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here