Home METRO Health workers nagsagawa ng kilos protesta sa Maynila

Health workers nagsagawa ng kilos protesta sa Maynila

56
0

MANILA, Philippines – Muling nagkasa ng kilos protesta ang ilang grupo ng mga health workers mula pribado at pampublikong ospital sa lungsod ng Maynila.

Nanguna sa protesta ang Alliance of Health Workers kasabay ng pagdiriwang ng National Heath Workers Day 2026.

Hiling ng grupo sa pamahalaan na ipatupad ang dagdag sahod sa kanilang sektor lalo na’t halos lahat sa kanila ay apektado na ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin.

Bunsod ito ng nangyayaring kaguluhan sa gitnang silangan kaya’t panawagan na itigl na ang ginagawang pag-atake ng Amerika sa bansang Iran.

Bukod sa taas sweldo, nanawagan din ang grupo na tutukan din sana ng pamahalaan ang dagdag benepisyo, allowance at seguridad sa trabaho ng kanilang kasamahan sa sektor ng pangkalusugan.

Giit nila, karamihan sa mga health workers ay ilan taon ng nagtatrabaho bilang mga Job Order at Contract of Service kung saan wala ng pag-asa na maregular at mataas ng sweldo.

Nagsimula ang kanilang protesta sa Espana saka nag-martsa patungong Mendiola. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here