Home NATIONWIDE Bagyong Hagupit, posibleng lumakas bilang “high-end tropical storm”

Bagyong Hagupit, posibleng lumakas bilang “high-end tropical storm”

77
0

MANILA, Philippines – Posibleng mas lumakas pa ang Tropical Storm Hagupit sa loob ng susunod na 48 oras at umabot sa kategoryang “high-end tropical storm,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes.

Batay sa 11 a.m. tropical cyclone bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo nasa 1,895 kilometro silangan ng northeastern Mindanao at nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Kapag pumasok ito sa PAR, tatawagin itong “Caloy.”

Ayon sa PAGASA, “In the next 48 hours, Hagupit will further intensify peaking as a high-end tropical storm.”

Ipinaliwanag ng ahensya na ang “high-end tropical storm” ay nangangahulugang mananatili pa rin ito sa tropical storm category na may lakas ng hanging 62 hanggang 88 kph, ngunit malapit na sa Severe Tropical Storm classification.

Sa kasalukuyan, taglay ng bagyo ang maximum sustained winds na 65 kph malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 80 kph. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 kph. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here