Home METRO Most wanted na suspek sa murder, ilegal na droga arestado ng PRO4A

Most wanted na suspek sa murder, ilegal na droga arestado ng PRO4A

79
0

LAGUNA, Philippines – Pinangunahan ni PBGen Hansel M. Marantan, Regional Director ng PRO4 CALABARZON ang isinagawang press briefing hinggil sa pagkakaaresto sa isang miyembro ng  gun for hire group sa kasong Murder (2 counts) na ginanap kahapon sa PRO4A Multi-Purpose Center Hall sa Camp BGen Vicente P. Lim Calamba City, Laguna.

Ang suspek na itinuturing na most wanted person sa nasabing rehiyon na nakilala sa Alyas Eco 23, residente ng Barangay Salitran 1 Dasmariñas City, Cavite.

Nadakip ang suspek noong nakalipas na May 4, 2026 dakong alas – 12:15 ng tanghali sa Barangay Anunas Angeles City Pampanga sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Murder (2 counts) matapos na magsagawa ng intelligence – driven operation ang pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division4A (RID4A) sa pamumuno ni PLT Col Vicente S. Cabatingan, Acting Chief ng RID, katuwang ang RIT Cavite, RID 3, CMFC, Angeles City Police Station, Police Provincial Office,  RMFB4A- F2, 401st AMC at Dasmariñas City Component Police Station.

Matatandaan na ang suspek ay hinihinalang  sangkot sa pagkasawi ng dalawang kalalakihan (biktima) na kinilala sa mga alyas Ron at Chris na pawang nagtamo ng tama ng bala sa ulo  makaraang pagbabarilin ng suspek noong nakalipas na May 19, 2021 ganap na alas- 4:00 ng madaling- araw sa Barangay Salawag Dasmariñas City, Cavite.

Napag-alaman na ang suspek ay miyembro umano ng gun for hire group at illegal drug group, kung saan ang suspek ay sangkot sa serye ng pamamaril sa lalawigan ng Cavite kabilang ang Bacoor, General Trias, Imus, Trece Martires, at Dasmariñas City.

Bukod dito sangkot din umano ang suspek sa pagpapakalat ng iligal na droga na kinabibilangan ng Shabu, Marijuana at Valium sa naturan lalawigan.

Samantalang isang 37 anyos na negosyanteng  Pakistani National ang naaresto sa kasong illegal recruitment by syndicate ng bandang alas- 7:30 ng gabi  noong nakalipas na buwan ng May 2, 2026 sa # 241 Kennon Road, Camp 7 Baguio City..

Inaaresto ang  suspek  sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Geoffrey H. Llarena Presiding Judge ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region na nakilalang  si Alyas Habibi, 37, pansamantalang  residente mg Pasay City.

Nanguna sa operasyon ang 1st Provincial Mobile Force Company,  Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni PRO4A PLT Seth Mark B. Alob, kasama ang Rosario Municipal Police Station Highway Patrol Group – Special Operation Division, Regional Highway Patrol Unit NCR at PHPT Nueva Ecija.

Pinuri ni PBGen Marantan ang matagumpay na operasyon at binigyan diin ng heneral ang oatulou na dedikasyon ng PRO4A para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa nasabing rehiyon.

Bukod dito tinitiyak ni Marantan sa mga pamilya ng mga biktima na makakamit ang hustisya  basta hindi sila  susuko at patuloy na makikipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng agarang pagbibigay ng anumang  impormasyon na kanilang makakalap.

“Sa ating mga kababayan, lalo na sa mga pamilya ng mga biktima na hanggang ngayon ay patuloy na naghihintay ng hustisya, huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Nananatiling masigasig at walang humpay ang inyong kapulisan sa pagtugis at pagpapanagot sa mga nagtatago sa kamay ng batas. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here