Home HOME BANNER STORY PBBM, gaganap na ‘peacemaker’ sa Thailand-Cambodia tensions

PBBM, gaganap na ‘peacemaker’ sa Thailand-Cambodia tensions

72
0

CEBU, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang trilateral meeting kasama ang mga lider ng Thailand at Cambodia sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) member-states hinggil sa matagal ng border dispute.

Ang miting sa pagitan nina Pangulong Marcos, Cambodian Prime Minister Hun Manet, at Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul ay nakatakda, Huwebes ng gabi, Mayo 7, sa sidelines ng 48th ASEAN Summit and Related Meetings sa Cebu City.

Inaasahan naman ang press statement mula sa tatlong lider matapos ang pag-uusap.

Ang trilateral meeting, itinakda ngayong gabi sa Cebu, isasagawa sa gitna ng panibagong tensyon sa pagitan ng Thailand at Cambodia kasunod ng isang taon na ‘deadly border incidents, massive troop buildups, at unresolved disputes’ na may kinalaman sa pinagtatalunang teritoryo malapit sa Preah Vihear temple complex at Emerald Triangle.

Ang kasalukuyang tumaas na tensyon ay nagsimula noong May 2025 matapos na ang isang Cambodian soldier ay napatay sa isang labanan sa Chong Bok area. Ito ang naging dahilan ng five-day “border war” noong July, nakitaan ng artillery at heavy weaponry exchanges, nakapagtala ng 38 kataong nasawi habang na-displace naman ang mahigit sa 300,000 residente.

“While a brief ceasefire was mediated by external powers, hostilities flared again in late 2025, bringing the total death toll since the crisis began to nearly 150 individuals, including both soldiers and civilians,” ayon sa ulat.

“The humanitarian cost has likewise been staggering, with the conflict triggering a large-scale displacement crisis. At its peak in December 2025, approximately 640,000 people fled their homes along the 817-km border. While many have since returned, thousands remain in displacement sites as of May 2026, facing damaged infrastructure and disrupted essential services,” ayon pa rin sa ulat.

Ngayong linggo, napaulat na mas tumindi ang tensyon dahil sa overlapping ng maritime claims sa Gulf of Thailand. Nito lamang, May 5, 2026, inaprubahan ng Thai cabinet ang unilateral cancellation ng MOU 44, isang 25-year-old agreement ukol sa joint energy exploration.

Tinukoy naman ni Prime Minister Anutin Charnvirakul ang isang policy shift tungo sa UNCLOS framework at “Thailand First” approach, isang hakbang kung saan ang Cambodia’s Ministry of Foreign Affairs ay nagpahayag ng matinding pagsisisi hinggil sa pilit na pagkakatali sa pagitan ng dalawang kalapit-bahay.

Ang Pilipinas, bilang ASEAN chair ngayong taon, makailang ulit na binigyang diin ang kahalagahan ng dayalogo, ASEAN centrality, at mapayapang resolusyon sa labanan habang bloc ay nahaharap sa multiple geopolitical at economic challenges.

Samantala, ang ASEAN Summit sa Cebu ay isinagawa sa gitna ng tumataas na global uncertainty dahil sa labanan sa Gitnang Silangan, dahilan para magambala ang ‘energy flows, trade routes, at food supply chains.’ (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here