MANILA, Philippines – Dinakip ng mga operatiba na pinangunahan ng District Special Operations Unit-Southern Police District (DSOU-SPD) ang isang wanted na indibidwal na sangkot sa pamboboso sa Taguig City Miyerkules ng hapon, Mayo 6.
Kinilala ni acting SPD director P/Brig. Gen. Glenn Oliver Cinco ang inarestong suspek na si alyas Franz, 26, residente ng Barangay Napindan, Taguig City.
Base sa report na natanggap ni Cinco, naganap ang pag-aresto sa suspek bandang alas 2:20 ng hapon sa Barangay Napindan, Taguig City.
Naging matagumpay ang pagdakip sa suspek sa bisa ng isinilbing warranat of arrest ng DSOU sa pakikipagtulungan ng District Intelligence Division (DID), at ng Intelligence Section-District Mobile Force Battalion (IS-DMFB), at ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Taguig City police.
Ang warrant of arrest ng suspek na may kaugnayan sa kaso nitong paglabag sa Section 4(A) ng Republic Act 9995, o ang tinatawag na Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 sa ilalim ng Criminal Case No. R-MKT-26-0119-CR na inisyu nito lamang nakaraang Mayo 5, 2026 ni Makati City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Giovanni Esguerra Vidal ng Branch 236, National Capital Judicial Region, ay may kaukulang rekomendasyon na piyansa sa sa halagang P42,000.
Pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng DSOU ang suspek habang naghihintay ng commitment order ng korte para sa paglipat ng kanyang kulungan sa Makati City jail. (James I. Catapusan)