Home NATIONWIDE PCG: Chinese research vessels, barkong militar namataan sa WPS

PCG: Chinese research vessels, barkong militar namataan sa WPS

75
0

MANILA, Philippines – Patuloy na nagsasagawa ang China ng marine scientific research (MSR) sa loob ng katubigan ng bansa sa West Philippine Sea, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) na sinasabing suportado ito ng isang Chinese Coast Guard ship at mga barkong militia.

Batay sa pinakahuling maritime patrol ng PCG, nakita ang Chinese oceanographic research vessel Xiang Yang Hong 33 na nakatigil sa humigit-kumulang 7.34 nautical miles kanluran ng Rozul Reef.

Na-monitor din sa parehong lokasyon  ang isang Chinese Coast Guard vessel (CCGV BN 5309) na nagpapalipat-lipat sa kanlurang bahagi ng Rozul Reef, habang 13 Chinese Maritime Militia vessels (CMMVs) ang nakadaong sa nakapaligid na tubig.

Unang umalis ang Chinese research vessel mula China noong Abril 15 at na-monitor na sistematikong nagsasagawa ng survey sa iba’t ibang bahagi ng Philippine exclusive economic zone, ayon sa PCG. Nasa Ayungin Shoal ito mula Abril 20-22, kasama ang mga support vessels.

Pagkatapos, lumipat ito sa Escoda Shoal kung saan nagsagawa ito ng operasyon malapit sa Arellano Reef at Bulig Shoal. Na-monitor ang barko sa loob ng Panganiban Reef mula Mayo 1-3, at nagsagawa ng operasyon sa Quirino Atoll at Rozul Reef mula Mayo 3-6. Simula Mayo 6, na-track ang barko na gumagalaw mula Jacinto Reef papunta sa Diego Silang Reef.

Ayon sa PCG, ilegal ang ganitong presensya dahil sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang marine scientific research sa exclusive economic zone (EEZ) ng isang coastal state ay maaari lamang isagawa kung may pahintulot mula sa naturang estado.

Samantala, iniulat din ng PCG ang pag-monitor sa 28 Chinese Maritime Militia vessels na magkakatabi at nakakalat sa paligid ng Cay 1 at Cay 2. Isang Chinese Coast Guard vessel (CCG 5101) ang nakita sa humigit-kumulang dalawang nautical miles kanluran ng Pag-asa Island. Jocelyn Tabangcura-Domenden.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here