Home METRO Abogado, tanggal sa hanay ng mga Lawyer dahil sa pekeng MCLE number

Abogado, tanggal sa hanay ng mga Lawyer dahil sa pekeng MCLE number

66
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Tinanggal ng Korte Suprema sa listahan ng mga abogado ang isang lawyer matapos mapatunayang ginamit niya ang pekeng MCLE compliance number sa mga isinumiteng dokumento sa korte.

Kinilala ang abogado na si Jose R. Hidalgo na napatunayang lumabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability dahil sa pagsasagawa ng maling representasyon.

Ang MCLE o Mandatory Continuing Legal Education ay kinakailangan upang manatiling updated ang mga abogado sa batas.

Sa rekord ng MCLE Office, si Hidalgo ay walang compliance mula 2001 hanggang 2019 kaya’t ipinabasura ng korte sa BiƱan ang kanyang mga dokumento at ini-refer ang kaso sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) para sa kaukulang aksyon.

Bukod sa disbarment, pinagmulta rin siya ng P35,000 dahil sa dishonesty at hindi pagsunod sa mga regulasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here