MANILA, Philippines – Pormal ng inihain ng Akbayan Reform Bloc sa Kamara ang panukalang tutugon upang mabawasan ang 12 porcientong Value-Added Tax (VAT) at gawin na lamang ito hanggang 10 porciento kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng krisis sa Gitnang Silangan.
Inihain ni Diokno ang House Bill No. 9156 o mas kilala bilang “VAT Reduction Act,”kung saan inaamiendahan nito ang Sections 106 (A), 107 (A), at 108 (A) ng National Internal Revenue Code of 1997.
“Filipino households are reeling from the rising prices of fuel, transportation, electricity, food, and other essential goods. The government must act quickly to ease their burden,” ayon kay Diokno.
Ayon sa mambabatas ang inflation ngayon ay tumaas ng hindi pa nangyari sa loob ng tatlong taon mula sa 4.1 porciento nitong Marso hanggang sa 7.2 porciento nitong Abril lamang.
“A reduction in the VAT rate, which is the single broadest consumption tax in the country, would directly address this burden by lowering the tax component embedded in the price of almost every good and service.”
Kung magiging isang batas, ang panukala ay haharang upang maalis ang pagsirit ng inflation sa bansa, palalakasin ang purchasing power ng bawat pamilya, lalakas ang paggastor ng tao sa panahon ng krisis.
Binigyang diin ni Diokno na ang pagbaba ng VAT rate ay makababawas sa pasanin ng taumbayan maging ng mga negosyo sa bansa at mapalalakas nito ang ekonomiya ng bansa na ngayon ay humihina bunsod ng krisis sa produktong petrolyo. (Meliza Maluntag)