Home METRO Bangag na amang retired police pinahuli ng anak sa mga parak

Bangag na amang retired police pinahuli ng anak sa mga parak

60
0

BULACAN, Philippines – Arestado ng mga pulis ang retired police matapos umanong tutukan ng baril ang sariling anak sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong umaga ng Mayo 6.

Sa ulat ng SJDM police station, kinilala ang suspek na si alyas “Andoy”, 56, may -asawa habang ang biktima ay si alyas “Jay”, 24, binata kapwa residente ng Brgy. Gumaoc Central.

Ayon sa ulat ng istasyon, naganap ang insidente bandang 10:00 ng umaga sa B8 Gumaoc Central.

Lumalabas sa imbestigasyon, sinita ng biktimang anak ang kanyang amang suspek na umanoy humihithit ng marijuana sa kanilang bahay na nauwi sa mainitang pagtatalo ng mag-ama.

Nabatid na umalis ang suspek subalit bumalik ito at itinutok ang sukbit na cal.45  sa kanyang anak kasabay ang mga salitang pagbabanta.

Dahil dito, humingi ng saklolo ang biktima sa mga pulis na agad rumesponde sa lugar na nagresulta kaya nahuli ang suspek at nakumpiska ang nasabing baril na kargado ng magazine at mga bala.

Sinasabing habang nasa investigation section ng istasyon ang suspek ay nagbitiw ito ng mga masasakit na salita sa mga police officers at duty investigators.

Dinala ang suspek sa Ospital ng Lungsod para sa physical examination, ipinaalam din ang kanyang nagawa at maging ang kanyang constitutional rights.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa nasabing istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here