MANILA, Philippines – Bumalik na sa Senate detention facility si government contractor Pacifico “Curlee” Discaya nitong Huwebes matapos sumailalim sa operasyon.
Ayon kay Senate Secretary Mark Mendoza, nakabalik si Discaya sa Senado at patuloy na nagpapagaling matapos siyang bigyan ng clearance ng kanyang mga doktor.
“Nakabalik na kaninang umaga si Mr. Discaya sa Senate, he is OK and was cleared by his doctors to continue his recovery sa Senate,” ani Mendoza.
Dinala si Discaya sa ospital noong Abril 30 para sa operasyon sa kanyang kanang balikat at isinagawa ang surgery noong Mayo 1, kasama ang kanyang abogado at mga tauhan ng Senate security. Sumailalim din siya sa monitoring habang naka-confine.
Nasa Senate detention si Discaya mula pa noong Setyembre 2025 matapos siyang i-cite in contempt sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee kaugnay ng flood control scandal. RNT/MND