Home NATIONWIDE Unexplained wealth ni VP Sara, pinakamatibay na ebidensya sa impeachment – Diokno

Unexplained wealth ni VP Sara, pinakamatibay na ebidensya sa impeachment – Diokno

70
0

MANILA, Philippines – Para kay Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno ang isyu unexplained wealth ang pinakamabigat na basehan para mapatalsik sa pwesto si Vice President Sara Duterte.

Ipinaliwanag ni Diokno na ang bilyun-bilyong pisong dumaan sa mga account na iniuugnay sa Bise Presidente ay malayo sa idineklara nito sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

“If you go by previous impeachment cases that reached the Senate, then of course the biggest issue, and to me it’s a very valid issue, is the issue of unexplained wealth. Kasi ang hinahanap ng sambayanan ay siyempre yung naglilingkod sa atin ay kailangan hindi corrupt,” ani Diokno.

Nakasaad sa Article II ng Articles of Impeachment na lumobo ang net worth ni Duterte mula P7.2 milyon noong 2007 patungong P88.5 milyon noong 2024. Gayunman, ang tinatayang kabuuang sahod nito bilang bise alkalde, alkalde, at bise presidente sa loob ng halos dalawang dekada ay nasa P30 milyon lamang dahilan para magkaroon ng “disparity” na aabot sa P50 milyon.

Bukod dito, kinuwestyon din ni Diokno ang ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nagpapakita ng mahigit P6.7 bilyon na dumaan sa mga account ni Duterte at ng kanyang asawa.

“Para sa akin, what needs to be explained is how did those billions of pesos pass through the Vice President’s accounts.Paano dumaan ‘yun in her name, P2.87 billion. For both of them, P6.7 billion. That’s such a humongous amount that requires an explanation,” giit ng mambabatas.

Pinatutsada rin ni Diokno ang kampo ni Duterte na sa media lamang naglalabas ng depensa, gaya ng katuwiran ng kampo ni Atty. Mans Carpio na “system glitch” lamang ang umano’y bilyun-bilyong piso sa BPI.

Ayon kay Diokno, nagkaroon ng sapat na pagkakataon ang Bise Presidente na humarap sa House Committee on Justice ngunit hindi ito sumipot.

Sa ilalim ng batas, ang hindi pagtutugma ng idineklara sa SALN at ng aktwal na yaman sa bangko ay sapat na basehan para ituring na unexplained wealth. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here