Home NATIONWIDE Comelec: Listahan ng mga kandidato sa BARMM Parliamentary Elections, ilalabas sa susunod...

Comelec: Listahan ng mga kandidato sa BARMM Parliamentary Elections, ilalabas sa susunod na linggo

73
0

MANILA, Philippines – Inaasahang ilalabas sa susunod na linggo ang opisyal na listahan ng mga kandidatong tatakbo sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon sa Commission on Elections(COMELEC).

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, “Asahan niyo po by next week ay mailalabas namin ang official listahan ng lahat ng kandidato na tatakbo sa parliamentary districts ng Bangsamoro.”

Isasagawa ang BARMM parliamentary elections sa Setyembre 14, 2026.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang tatlong araw na filing ng certificates of candidacy (COCs) para sa district representatives at party members mula Mayo 5 hanggang 7, at ayon sa Comelec ay maayos at mapayapa ang proseso.

“Sa kasalukuyan, tahimik na ginagawa pa rin ang filing ng candidacy. Sana po hanggang sa matapos mamayang hapon magtuloy-tuloy ang kapayapaan,” ani Garcia.

Ayon sa Comelec, ilalabas din sa kanilang website ang mga COC at certificates of nomination upang mas madaling makilala ng mga botante ang mga kandidato.

May kabuuang 16 political parties at 23 sectoral organizations ang accredited para sa halalan.

Matapos ang filing period, inaasahang aaprubahan ng Comelec En Banc ang opisyal na listahan ng mga kandidato sa susunod na Miyerkules.

Samantala, pinalakas naman ng Philippine National Police ang seguridad sa BARMM habang nagpapatuloy ang filing, at humigit-kumulang 9,000 pulis ang ide-deploy para sa halalan ayon sa Police Regional Office BAR. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here