Home METRO 3 sugatan sa sunog sa Parañaque

3 sugatan sa sunog sa Parañaque

133
0

MANILA, Philippines – Tinupok ng sumiklab na sunog ang 300 kabahayan na ikinaapekto ng 600 pamilya o 1,800 indibidwal na nawalan ng tirahan habang tatlo katao naman ang sugatan bago maghating gabi ng Miyerkules, Mayo 6.

Ayon sa report ng Parañaque City Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa tatlong palapag na residential house ng isang Elmer Opamil sa Barangay San Antonio Valley 1, Parañaque City bandang alas 11:12 ng gabi.

Kinilala ang isa sa tatlong sugatan ang biktima na si Raygie Vasquez, 43, na nagtamo ng sugat sa kaliwang paa habang hindi naman nakuha ang pagkakakilanlan ng dalawa pang sugatang biktima.

Sinabi ni arson investigator SFO3 Giovanni Corbes, nag-umpisa ang sunog sa unang palapag ng gusali na agad na kumalat sa mga kalapit na kabahayan na gawa lamang sa semi-light materials habang idineklara ang fire under control ng 5:40 ng umaga.

Tinatayang nasa P900,000 ang halaga ng pinsala ng ari-arian ang tinupok ng apoy kung saan nirespondehan ito ng 94 fire trucks kabilang ang 29 sa BFP at 65 naman sa volunteer fire brigades.

Samnatala, binisita naman ni City Mayor Edwin Olivarez ang mga biktima na pansamantalang nanunuluyan sa San Antonio Elementary School kung saan pinagkalooban ang mga ito ng kanilang pangunahing pangangailangan. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here