Home NATIONWIDE Bumagsak ng farmgate price ng manok, baboy, iimbestigahan ng Senado

Bumagsak ng farmgate price ng manok, baboy, iimbestigahan ng Senado

1
0

MANILA, Philippines – Naghain ng isang resolusyon si Sen. Kiko Pangilinan, chair ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, upang paimbestigahan ang patuloy na pagbagsak ng farmgate price ng baboy at manok sa kabila ng tumataas na gastos sa produksyon at feeds.

Nitong Huwebes, inihain ni Pangilinan ang Senate Resolution No. 726 na nag-uutos sa kanyang komite na siyasatin kung paano mapoprotektahan ang kita ng mga lokal na producer at matitiyak ang sustainable na food supply.

“Continuously depressed farmgate prices alongside high production costs may force hog and poultry raisers, especially small and backyard raisers, to reduce production or exit the industry altogether, thereby deepening the country’s dependence on imports and undermining long-term food security,” ayon sa resolusyon.

Inihain ni Pangilinan ang resolusyon matapos ang ulat ng Department of Agriculture (DA) na bumaba sa P120 hanggang P160 kada kilo ang presyo ng baboy sa ilang lugar. Mas mababa ito sa P210 kada kilo na minimum price na itinakda ng ahensya at hog raisers.

Ayon naman sa mga kinatawan ng hog group, nasa P180 hanggang P190 kada kilo ang gastos sa produksyon ng baboy noong Nobyembre 2025.

Paliwanag ni Pangilinan na sinabi ng United Broiler Raisers Association, bumagsak sa P65 kada kilo ang presyo ng manok noong Abril 2026 dahil sa mahinang demand at oversupply, kahit tumataas ang gastos sa pagpapalaki ng sisiw.

Binanggit din ni Pangilinan na ang mga paglaganap ng sakit sa hayop at kompetisyon mula sa imported products ang ilan sa mga pangunahing salik na nakakaapekto sa industriya ng baboy at manok sa bansa.

Dahil dito, hiniling ng senador na agarang aksyunan ng Senado ang usapin para hindi tuluyang bumagsak ang mga lokal na magbababoy at manok, lalo na ang maliliit at backyard raisers. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here