Home HOME BANNER STORY Paglobo ng bill ng Meralco ‘di dahil sa 4Ps – Gatchalian

Paglobo ng bill ng Meralco ‘di dahil sa 4Ps – Gatchalian

79
0

MANILA, Philippines – Idinipensa ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa kritisismo ng publiko sa mataas na singil sa kuryente dahil sa kanila.

“Una, fake news si Meralco. Hindi 4Ps ang rason kung bakit lumaki ang pag singil noong April. Yung bill shock na yun nanggaling sa sarili nilang generation. Tumaas ang generation expense nila,” ayon kay Gatchalian.

Aniya, ang mga tirahan ng 4Ps ay may mababang konsumo sa kuryente hindi tulad ng mga residential unit o commercial establishments dahil kakaunti lamang ang appliances ng mga ito.

“Napakaliit lang ng kinukunsumo ng 4Ps. Una, pag sinuma-total mo lahat, ang average niyan, wala pang kalahati ng sentimo ang napupunta sa lifeline rate, PHP0.040 centavos. Ibig sabihin wala pang kalahati ng isang sentimo. Ganun kaliit, kasi nga ang 4Ps halos wala namang appliances sa bahay ‘yan para patakbuhin. To the most, isang electric fan at ilang bumbilya. So, hindi sila ang rason kung bakit sumipa ng ganun kalaki,” ani Gatchalian.

Sa pinakahuling datos, 135,411 4Ps households lamang ang naka-enroll sa Lifeline Rate Subsidy Program (LRSP), kumpara sa 8.11 milyong residential, business, at industrial customers ng Meralco.

Pagdating naman sa muling pagbisita sa Expanded Lifeline Rate Law, sinabi ni Gatchalian na bukas ang DSWD sa pag-amyenda sa batas basta’t ang mga ito ay hindi ipapasa sa consumer.

“Sang-ayon kami doon sa panukala, maliit lang ito dapat i-absorb na ng Meralco. At sana, kapag tinawag na kami, tatawagin kami sa Senado para i-revisit ang panukalang iyan, ako ang sasabihin ko, biro mo, sa laki ng kanilang sinisingil, dapat sana sila mag-absorb nito. Parang CSR na nila, yung corporate social responsibility na nila.”

Samantala, iginiit ni Gatchalian na siya ay nagpapasalamat sa taxpayers sa pagtulong sa pamahalaan na pondohan ang mga programa ng DSWD partikular ang 4Ps.

“Nagpapasalamat kami sa middle class natin na patuloy na nag-provide sa pamamagitan ng buwis nila, ng pondo para mapatakbo ang mga programa na ito. Hindi natin maipagkakaila ‘yan na walang 4Ps kung walang middle class. At nagpapasalamat kami sa kanila. At sinasabi ko nga na itong mga programa nila ay programa para walang maiwanan,” sinabi pa ng kalihim.

“Gusto nga ng ating Pangulo, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pag-alis niya dapat single digit na lang. So yun naman ang mandato natin. Pero ang personal assessment ko, ibibigay ko lang yung datos, halos 12 million na ang nakatapos ng pag-aaral dahil sa 4Ps. Halos 32,000 to 39,000 na ang mga board passers galing sa pamilya ng 4Ps,” dagdag pa niya.

“Imagine nyo, million-million pamilya na ang may na-produce na isang graduate kada pamilya. Yung graduate na yun, importante yun kasi siya naman yung tatawid sa sarili niyang pamilya para masiguradong hindi sila lugmok na lugmok sa kahirapan.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here