Home ENTERTAINMENT Paulo, bibisita kay Aki sa NY!

Paulo, bibisita kay Aki sa NY!

88
0

Manila, Philippines – Hindi pa muna babalik ng bansa as scheduled sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Ito’y sa kabila ng pagtatapos ng kanilang world tour, the last leg of which ay sa Toronto, Canada.

Ang tsika, nakatakdang tumungo ang KimPau sa New York for a short vacay.

Tamang-tama ‘yon para kay Paulo para matuhog na rin niya ang pagbisita sa kanyang anak na naka-base doon, si Aki.

Aki is Paulo’s son with LJ Reyes, na may sarili na ring pamilya doon kasama si Summer–her daughter by Paolo Contis.

Kasado na pala ang NY trip na ito ng KimPau even before they flew to France.

To get to NY from Toronto is a two-hour flight.

With Paulo paying Aki a visit, hindi kaya mainggit nang bonggang-bongga si Paolo Contis–na atat na ding bisitahin si Summer?

‘Yung dalawang anak ni Paolo sa dating asawang si Lian Paz–na sina Xalene at Xonia–ay naka-bonding na ng aktor except for Summer. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here