Home NATIONWIDE Viral pic ni Leviste na tila namimigay ng pera iimbestigahan ng Comelec

Viral pic ni Leviste na tila namimigay ng pera iimbestigahan ng Comelec

71
0

MANILA, Philippines – Inaalam na ng Commission on Elections (Comelec) ang umano’y kumakalat sa social media na pamamahagi ng pera ni Rep. Leandro Leviste kung saan iniuugnay sa vote buying.

Naganap umano ito noong nakaraang eleksyon sa Batangas.

Pero ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia, inaalam na nila kung kailan nangyari ang insidente at kung totoo ngang may naganap na vote buying sa lugar.

Sinusuri din aniya kung si Leviste ay kandidato na nang mamahagi siya mismo ng pera sa mga tao na pumila.

Sa panig naman ni Leviste, sinabi niya na ang pamamahagi niya ng pera ay nangyari noong Pasko at ito ay galing sa sarili niyang bulsa.

Si Leviste ay isa sa mga matatapang ngayon na mambabatas na bumabatikos sa mga nangyayaring matinding korapsyon sa gobyerno lalo na sa flood control projects. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here