Home TOP STORIES UAE, nag-ulat ng bagong missile, drone attack mula Iran

UAE, nag-ulat ng bagong missile, drone attack mula Iran

80
0
Cargo ships, including bulk carriers and general cargo vessels, sit at anchor offshore as a small motorboat passes in the foreground, in the Strait of Hormuz off Bandar Abbas, Iran, Monday, May 4 , 2026.(Amirhosein Khorgooi/ISNA via AP)

DUBAI, UAE – Inihayag ng United Arab Emirates na nakapagtala ito ng panibagong missile at drone attack mula sa Iran noong Biyernes, na ikinasugat ng tatlong tao matapos i-activate ang air defenses ng bansa.

Ayon sa UAE Defense Ministry, dalawang ballistic missiles at tatlong drones ang inilunsad ng Iran, na tinangka nilang i-intercept. Hindi pa malinaw kung lahat ay matagumpay na napabagsak.

Kasabay nito, sinabi ng United States na napigilan nito ang mga pag-atake sa tatlong Navy ships at gumanti ng strikes sa mga Iranian military facilities sa Strait of Hormuz.

Sinabi ng Iran na ang aksyon ng U.S. ay “clear violation” ng umiiral na ceasefire, habang patuloy ang diplomatic talks para sa posibleng kapayapaan.

U.S. President Donald Trump tinawag na “love tap” ang naging military exchange, ngunit nagbanta na magpapatuloy ang mas malawak na pag-atake kung hindi papayag ang Iran sa kasunduan na muling buksan ang Strait of Hormuz at bawasan ang nuclear program nito.

Ayon sa U.S. State Department, inaasahan nilang magbibigay ng tugon ang Iran sa mga susunod na oras habang nagpapatuloy ang usapan para sa posibleng kasunduan.

Samantala, nananatiling tensyonado ang sitwasyon sa rehiyon dahil sa epekto ng hidwaan sa suplay ng langis at pandaigdigang merkado, lalo na’t mahalaga ang Strait of Hormuz sa pandaigdigang energy trade. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here