CEBU, Philippines – In-endorso ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang mas mabilis na implementasyon ng regional energy-sharing mechanisms at power interconnectivity projects sa gitna ng lumalaking alalahanin kaugnay sa global fuel supply disruptions na in-uugnay sa labanan sa Gitnang Silangan.
Sa press conference kasunod ng 48th ASEAN Summit sa Cebu, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sumang-ayon ang ang regional bloc sa pangangailangan para sa matatag at reliable energy supply chains at mas malakas na regional cooperation sa energy security.
Kabilang sa konkretong hakbang na tinalakay ay ang pabilisin ang ratipikasyon ng ASEAN Framework Agreement on Petroleum Security (APSA), pinahihintulutan ang ASEAN member-states para tulungan ang mga kalapit-bansa na nakararanas ng kakapusan sa langis.
“Leaders agreed on the importance of stable and reliable energy supply chains, greater energy interconnectivity and accelerated diversification toward renewable and alternative sources,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Pinapayagan ng APSA mechanism ang ASEAN countries na magbigay ng petroleum supplies sa member-states na nahaharap sa kakapusan na may katumbas na 10% ng kanilang domestic fuel requirement.
Nauna rito, sinang-ayunan naman ng ASEAN economic ministers na madaliin ang APSA sa gitna ng alalahanin kaugnay sa potensiyal na pagkagambala sa global oil supply routes.
Ang nagpapatuloy na labanan ng Iran, Israel at Estados Unidos ang nagpalakas sa pagkatakot sa kawalan ng katatagan sa Strait of Hormuz, isang mahalagang global oil transit corridor.
Maliban sa petroleum-sharing mechanism, itinutulak din ng ASEAN leaders ang operationalization ng ASEAN Power Grid, isang regional initiative na naglalayong ikonekta ang electricity networks ang lahat ng ASEAN member-states.
Tinuran ng Pangulo na susuportahan ng proyekto ang ‘cross-border electricity trading, improve renewable energy integration,’ at tulungan na makapagbigay ng mas affordable na elektrisidad sa Southeast Asia.
“We pushed for the operationalization of the ASEAN Power Grid—connecting the electricity networks of all ten Member States to enable cross-border power trading, support renewable integration, and deliver more affordable electricity to nearly 700 million people,” ang pahayag ng Pangulo.
Ang pagkagambala sa global energy supply chains ang nangibabaw sa pagho-host ng Pilipinas sa 2026 ASEAN. (KRIS JOSE)