Home NATIONWIDE Panawagan sa karapatan ng Palestine, kapayapaan sa Ukraine muling ipinagtibay ng ASEAN

Panawagan sa karapatan ng Palestine, kapayapaan sa Ukraine muling ipinagtibay ng ASEAN

62
0

MANILA, Philippines – Muling ipinagtibay ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang panawagan nito sa karapatan ng Palestine at nanawagan ng kapayapaan sa patuloy na krisis sa Ukraine.

Sa pahayag ng ASEAN chair, pinagtibay ng regional bloc ang matagal nang suporta sa mga Palestinian, kabilang ang kanilang karapatan para sa self-determination at kanilang tirahan.

“In this regard, we urged all parties concerned to work towards a peaceful resolution to the conflict, with a view to realizing the two-State solution in accordance with international law and the relevant UNSC (United Nations Security Council) and UNGA (United Nations General Assembly) resolutions,” saad sa pahayag na inisyu nitong Sabado, Mayo 9.

Tinukoy ng ASEAN member-states ang UNGA resolution A/RES/ES-10/23 sa Admission of New Members to the United Nations na tinanggap Mayo 10, 2024, na nag-upgrade sa karapatan ng Palestine sa international body bilang observer state, na walang full voting rights.

Tinukoy din nila ang UNGA resolution A/RES/ES 10/27, na inadopt noong Hunyo 12, 2025, na tumututok sa proteksyon ng mga sibilyan at paninindigan ng legal at humanitarian obligations.

Samantala, sa krisis sa Ukraine ay iginiit ng ASEAN ang respeto para sa soberanya, political independence, at territorial integrity ng lahat ng mga estado.

Nanawagan ang regional bloc para sa full compliance sa UN Charter at international law, at iginiit ang pangangailangan sa agarang pagpapahupa ng gulo at pagpasok sa seryosong usapan para sa mapayapang resolusyon ng kaguluhan.

“We also called for the facilitation of rapid, safe, and unhindered access to humanitarian assistance for those in need in Ukraine, and for the protection of civilians, humanitarian personnel, and persons in vulnerable situations,” sinabi ng ASEAN chair.

Matatandaan na nagsimula ang giyera noong Pebrero 2022 nang maglunsad ang Russia ng large military invasion sa Ukraine. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here