Home NATIONWIDE Port of Batangas pinuri ng BOC sa magandang performance

Port of Batangas pinuri ng BOC sa magandang performance

60
0

MANILA, Philippines — Pinuri ng Bureau of Customs (BOC) ang Port of Batangas matapos itong makapagtala ng mataas na revenue collection surplus at pagpapatupad ng mga makabagong sistema sa operasyon.

Batay sa paunang datos, umabot sa humigit-kumulang P22.21 bilyon ang nakolekta ng Port of Batangas noong Marso laban sa target na P19.16 bilyon, dahilan upang makapagtala ito ng surplus na P3.05 bilyon sa loob lamang ng isang buwan.

Para naman sa unang quarter ng 2026, nalampasan din ng pantalan ang target nitong P58.75 bilyon matapos makalikom ng tinatayang P59.14 bilyon o may sobrang P398 milyon.

Pinuri ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang maagap at data-driven na hakbang ng port, kabilang ang maagang pakikipag-ugnayan sa shipping lines at importers, mahigpit na monitoring sa valuation systems, at pagpapatupad ng mga polisiya na nakatulong sa pagpapataas ng koleksyon at pagpigil sa revenue leakage.

Binigyang-diin din niya ang mahusay na pakikipag-ugnayan ng port sa stakeholders sa pamamagitan ng consultative meetings, pagkilala sa top importers, at pagsusulong ng compliance programs na nakatulong umano sa pagpapalakas ng tiwala at partnership sa pribadong sektor.

Kinilala rin ng BOC ang modernisasyon ng Port of Batangas sa paggamit ng real-time monitoring dashboards, mobile applications, at tracking systems upang mapabilis ang operasyon at mapahusay ang data-driven decision-making.

Binanggit din ang pagpapanatili ng pantalan sa ISO 9001:2015 Quality Management System certification bilang pagsunod nito sa international standards.

Ayon sa BOC, nakaayon din ang mga programa at operational priorities ng Port of Batangas sa IAM program ni Nepomuceno na nangangahulugang Integrity, Accountability and Modernization, na layong palakasin ang transparency, ethical standards at modernization initiatives sa ahensya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here