Home NATIONWIDE Southeast Asia mananatiling nuclear weapon-free zone – ASEAN

Southeast Asia mananatiling nuclear weapon-free zone – ASEAN

53
0

MANILA, Philippines – Muling pinagtibay ng mga miyembrong estado ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na mananatiling nuclear weapon-free zone ang Timog-Silangang Asya, ayon sa inilabas na pahayag sa 48th ASEAN Summit.

Sa chair’s statement na inilathala sa ASEAN Philippines 2026 website, binigyang-diin ng bloc ang pangako nito sa “full and effective implementation” ng Treaty on the Southeast Asia Nuclear Weapon-Free Zone (SEANWFZ).

Ang Pilipinas ang host ng 48th ASEAN Summit bilang chair ng 11-bansang rehiyonal na samahan para sa 2026.

Binigyang-diin ng mga lider ng ASEAN ang mahalagang papel ng mga nuclear weapon-free zones sa pagsusulong ng nuclear disarmament, non-proliferation, at pagpapalakas ng pandaigdigang kapayapaan at seguridad.

“We reaffirmed our commitment to preserve the Southeast Asian region as a nuclear weapon-free zone and free of all other weapons of mass destruction, as enshrined in the [SEANWFZ Treaty] and the ASEAN Charter,” ayon sa pahayag.

Hinimok din ng mga lider ang mga nuclear-weapon states na makipagtulungan sa ASEAN at suportahan ang implementasyon ng kasunduan, habang patuloy na nakikipag-ugnayan upang maresolba ang mga isyung nakabinbin alinsunod sa mga layunin at prinsipyo nito.

Tinanggap din ng bloc ang anumang nuclear-weapon states na handang pumirma at magratipika sa protocol ng SEANWFZ Treaty nang walang kondisyon. Hinikayat din ang mga ASEAN experts na makipag-ugnayan sa kanilang counterparts mula sa nuclear-weapon states upang pag-ugnayin ang mga pagkakaiba. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here