Home NATIONWIDE ‘Farmers to Market’ ng QC LGU pinaigting sa murang pagkain

‘Farmers to Market’ ng QC LGU pinaigting sa murang pagkain

100
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Quezon City government na pinaigting nito ang programa para sa agrikultura sa pamamagitan ng Market Development and Administration Department (MDAD) upang makarating sa mga residente ng Quezon City ang mas murang agricultural products mula sa mga magsasaka.

Ayon kay Atty. Edmundo R. Bacatan, Asst. City Market Administrator ng QC LGU na hindi pa man umuusbong ang gulo sa Middle East ay nagsagawa na ang tanggapan ng mga programa upang makabili ang lokal na pamahalaan ng mas murang agri produce ng mga magsasaka para dalhin sa lungsod upang mas mababa ang presyo ng bilihin ang maibenta sa mga QCitizens.

Anya sa patnubay ni QC Mayor Joy Belmonte ay naipatupad ng tanggapan ang Bridging Farmers to Consumers Program kung saan ang mga produktong mula sa Benguet at Nueva Ecija ay naibabagsak sa Quezon City at ito naman ay nakakarating sa mga vendors para maibenta sa mga consumers sa murang halaga lamang

Inihalimbawa nito ang gulay na ampalaya na ang bagsak sa QCLGU ng kada 10 kilo ay P62 lamang pero sa Balintawak Market ay nasa P75 at ang mais na 10 kilo ay P22 lamang pero sa Balintawak market ay P25, ang 10 kilo ng carrots ay P92 lamang pero sa Balintawak market ay P100 at ang 10 kilo ng pipino ay P30 lamang pero sa Balintawak market ay P65.

“Sa pamamagitan po nito ay hindi na po gaanong naaapektuhan ang mga QCitizens at ibang mamimili sa paghahanap ng mas murang paninda dahil sa proyektong ito ng QC LGU,” dagdag ni Bacatan.

Samantala, batay naman aniya sa monitoring ng MDAD sa mga palengke sa kasalukuyan ay sapat naman ang suplay ng mga pagkain at hindi naman masyadong mataas ang presyo.

Aniya, dahil naman sa pagtaas ng presyo ng petrolyo, nabawasan ang nagdadala ng mga agri products sa mga palengke pero hindi naman anya ito nakaapekto sa daloy ng suplay ng pagkain dahil sapat naman ang suplay sa demand ng mga mamimili. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here