Home METRO 4 tiklo sa sugal at droga sa Valenzuela

4 tiklo sa sugal at droga sa Valenzuela

59
0

MANILA, Philippines – BAGSAK sa kulungan ang apat na lalaki nang maaktuhang naglalaro umano ng illegal na sugal at makuhanan pa ng droga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat, nagsasagawa ng Anti-Criminality ‘Oplan Galugad’ operation ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento sa Esteban North St., Brgy. Dalandanan nang maaktuhan nila ang dalawang lalaki na naglalaro umano ng ‘cara y cruz dakong alas-11 ng gabi.

Nilapitan nila ang dalawa at nagpakilala bilang mga pulis na nakatalaga sa Police Sub-Station 6 bago inaresto ang mga ito at ipinaalam sa kanila ang kanilang nilabag kasalanan.

Nakumpiska sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay alyas “Gani”, 50.

Nauna rito, naaresto din ng mga tauhan ng Police Sub-Station 9 ang dalawang kelot habang nagsusugal din umano ng ‘cara y cruz’ sa loob ng Saint Angelus Cemetery, Area 6, Padrigal St., Brgy., Maysan bandang alas-2:15 ng hapon.

Nasamsam sa kanila ang peang pamusta, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nakumpiska kay alyas “Raymond”, 34, truck helper.

Ayon sa pulisya, na-inquest na ang mga suspek kaugnay sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-Illegal Gambling Law) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here