Bulacan – Sugatan ang tatlong indibiduwal sa naganap na fireworks explosion sa bayan ng Santa Maria nitong umaga ng Mayo 11.
Sa report ng Santa Maria rescue, naganap ang insidente bandang 10:15 ng umaga sa Sitio, Manggahan, Brgy. Pulong Buhangin.
Ayon sa report, agad naman nabigyan ng initial first aid mula sa Pulong Buhangin rescue team ang dalawang sugatang manggagawa ng paputok na nasa hustong gulang at isang babaeng bumisita sa lugar na dinala sa pinakamalapit na ospital.
Sinasabing ang pabrika ng paputok na ito na umanoy gumagawa rin ng kwitis ay legal na nag-ooperate at may kaukulang permiso.
Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring insidente. Dick Mirasol III