Home NATIONWIDE P110M lotto jackpots mailap sa mananaya

P110M lotto jackpots mailap sa mananaya

55
0

MANILA, Philippines — Walang nakasungkit ng jackpot prize sa mga lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Mayo 12.

Ayon sa PCSO, lumabas sa Ultra Lotto 6/58 ang kombinasyong 56-16-28-36-50-25 para sa jackpot na ₱75 milyon, ngunit walang nakahula ng tamang numero.

Sa Super Lotto 6/49 naman, ang winning combination ay 24-15-06-44-40-23 na may jackpot na ₱25 milyon, subalit wala ring nanalo.

Wala rin nakakuha ng jackpot sa Lotto 6/42 matapos lumabas ang kombinasyong 41-38-12-14-37-25 para sa ₱10 milyong premyo.

Sa minor games, lumabas sa 6D Lotto ang kombinasyong 0-6-4-0-3-7 para sa jackpot na ₱7.98 milyon, ngunit wala ring nanalo.

Samantala, may 228 winners sa 2 p.m. draw ng 3D Lotto matapos lumabas ang kombinasyong 2-7-0, habang 244 winners naman sa 5 p.m. draw na may kombinasyong 5-6-1, at 375 winners sa 9 p.m. draw na may kombinasyong 7-0-3. Bawat nanalo ay makatatanggap ng ₱4,500.

Para naman sa 2D Lotto, may 366 winners sa 2 p.m. draw na may kombinasyong 08-04, 242 winners sa 5 p.m. draw na may 11-27, at 167 winners sa 9 p.m. draw na may 28-03. Ang bawat mananalo ay tatanggap ng ₱4,000.

Ginaganap ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes, at Linggo, habang isinasagawa ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo. Ang Lotto 6/42 naman ay ginuguhit tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here