Pasay City — Ipinahayag ni Senador Mark Villar ang kanyang buong suporta sa Senate Bill No. 1894, o ang panukalang magpapalakas sa implementasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act, kasabay ng pagbibigay-diin sa pangangailangang mapalawak at mapabuti ang suporta ng pamahalaan para sa mga estudyanteng Pilipino sa kolehiyo.
Bumoto pabor si Villar sa panukala at nagpahayag ng intensyong maging co-author nito, kasabay ng kanyang pahayag na bagama’t malaking tulong ang libreng matrikula, marami pa ring estudyante ang nahihirapang tustusan ang kanilang pang-araw-araw na gastusin habang nag-aaral.








