Home NATIONWIDE Sen. Bato nanawagan sa PMA ng “mapayapang aksyon” sa gitna ng ICC...

Sen. Bato nanawagan sa PMA ng “mapayapang aksyon” sa gitna ng ICC warrant

53
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senator Ronald dela Rosa sa kanyang mga kapwa Philippine Military Academy (PMA) cavaliers na magsagawa ng “peaceful action” matapos ang paglabas ng arrest warrant mula sa International Criminal Court kaugnay ng umano’y papel niya sa war on drugs.

Sa panayam, nilinaw ni Dela Rosa na hindi niya hinihikayat ang anumang marahas na pagkilos.

“Klaruhin ko lang na ang apela ko is not an appeal for a violent action. Ang apela ko sa kanila ay peaceful action,” aniya.

Ayon sa kanya, dapat ipakita ng mga PMA graduate at uniformed personnel ang pagmamahal sa bansa at pagtindig para sa soberanya ng Pilipinas laban sa impluwensya ng dayuhan.

“Maipakita nila na kaming mga PMAers… ay ayaw magpasakop sa dayuhan,” dagdag niya.

Batay sa ICC warrant, si Dela Rosa ay may “alleged criminal responsibility as an indirect co-perpetrator” sa crimes against humanity ng murder mula Hulyo 2016 hanggang Abril 2018, kung saan hindi bababa sa 32 katao ang nasawi.

Kasalukuyang nasa ilalim siya ng Senate protective custody habang hinihintay ang desisyon ng Korte Suprema sa kanyang petisyon para sa temporary restraining order laban sa warrant.

Ayon sa National Bureau of Investigation, tinangka nilang magsilbi ng warrant sa Senado ngunit tumakbo umano si Dela Rosa, na itinanggi naman ang alegasyon ng pananakit o pag-tackle. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here