Home METRO Red tide sa Daram, Samar ibinabala ng BFAR; shellfish ban ipinatupad

Red tide sa Daram, Samar ibinabala ng BFAR; shellfish ban ipinatupad

86
0

SAMAR, Philippines – Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang presensya ng toxic red tide sa baybayin ng Samar partikular sa Daram, batay sa pagsusuri ng national laboratory nito.

Dahil dito, nagpatupad ang BFAR ng shellfish ban sa lugar kung saan ipinagbabawal ang paghuli, pagbebenta, at pagkain ng anumang uri ng shellfish, kabilang ang hipon at alamang.

Kasama ang Daram sa mga lugar na nasa national shellfish bulletin matapos makumpirma ang red tide sa laboratory tests ng shellfish meat samples.

Nauna nang nagkaroon ng katulad na ban sa Matarinao Bay sa Eastern Samar matapos ding magpositibo sa red tide ang mga sample mula sa lugar.

Ayon sa BFAR, ligtas kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango basta sariwa at nalinis nang maayos, lalo na ang pagtanggal ng hasang at bituka bago lutuin.

“To safeguard human lives, we are advising the public to refrain from gathering, selling and eating all types of shellfish…” ayon sa BFAR.

Nagbabala rin ang ahensya na maaaring magdulot ng paralytic shellfish poisoning ang red tide na posibleng ikamatay ng tao.

Kasama rin sa listahan ng apektadong lugar ang ilang bahagi ng Pangasinan, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.

Ayon sa BFAR, maaaring bumalik ang red tide dahil sa ulan na nagdudulot ng pagdaloy ng organikong sediments na nagpaparami ng toxic organisms. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here