Home METRO Kampanya para sa pagboto ng mga PDL, pinalakas ng Comelec

Kampanya para sa pagboto ng mga PDL, pinalakas ng Comelec

64
0

MANILA, Philippines – Nagkasa ng Information Drive campaign ang Commission on Elections (Comelec) sa Iwahig Prison and Penal Farm, Puerto Princesa, Palawan para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Ito ay bilang pagkilala sa mga Persons Deprived of Liberty o PDL na isa ring importanteng bahagi ng Lipunan.

Ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia, lahat ay pantay-pantay pagdating sa pagboto at usapin ng demokrasya.

Sa mga nagdaang mga botohan tinuturing ng Comelec at pamahalaan ang mga PDL na malaking bahagi ng lipunan na dapat mabigyan din ng pantay na karapatan.

Kabilang rito ang karapatan na bumoto at pumili ng karapat-dapat na pinuno ng bansa kung saan dinadala ang mga balota sa loob ng kulungan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here