Home HOME BANNER STORY Drilon: “Protective custody” sa Senado, wala sa batas

Drilon: “Protective custody” sa Senado, wala sa batas

52
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Senate President Franklin Drilon na walang legal na batayan ang paglalagay ng isang senador sa “protective custody” sa loob ng Senado, kaugnay ng sitwasyon ni Sen. Ronald dela Rosa sa gitna ng arrest warrant mula sa International Criminal Court.

Ayon kay Drilon, wala sa batas ang nagbibigay kapangyarihan sa Senado para sa ganitong uri ng proteksyon at ang konsepto nito ay ginagamit lamang sa ibang sitwasyon gaya ng witness protection program.

Gayunman, sinabi niya na maaaring dahil ito sa tradisyon at respeto sa institusyon ng Senado, ngunit hindi ito nakabatay sa legal na kapangyarihan.

Giit din niya, nasa kamay ng ehekutibo kung ipatutupad ang ICC warrant, gaya ng nangyari sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Drilon, ang Senado ay walang opsyon kundi ituloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte dahil nakasaad sa Konstitusyon na dapat itong simulan “forthwith.”

Binanggit din niya na ang mga pangyayari sa loob ng Senado kamakailan, kabilang ang paghabol umano sa mga tauhan ng NBI, ay “nakakahiya” at hindi pangkaraniwan sa institusyon sa kanyang 24 na taon bilang senador. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here